Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna sa taong 1861. Siya ay isang mabuting anak, matalinong makata at mabuting tao. Nakapag-aral siya sa Europa at naging doktor. Si Rizal ay namuhay sa panahon ng Kastila. Ito ang panahon kung saan ang mga Pilipino ay inaapi ng labis. Sa kabila nito, modelo siya ng kabataan. Ito ay dahil siya’y matalino, masipag at mapagmahal sa bayan. Sa halip ng labanan ang mga Kastila sa pamamagitan ng dahas, pinili niyang gumamit ng pagsusulat upang makahanap ng reporma kasama ng mga Kastila. Kilala si Rizal sa mga akda niya, lalo na ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na nakatulong ito sa pagsimula ng rebolusyon sa Pilipinas laban sa mga Kastila. Ang kanyang pagpili sa mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa mga Kastila ay kahanga-hanga, at ang mga estyudante sa mataas na paaralan ay maaring matuto ng marami sa kanyang buhay at sa kanyang mga akda. Dahil dito, sa tingin ko dapat ipatuluyan ang pag-aaral ng mga akda ni Rizal sa mataas na paaralan.

Sa lahat ng sulat ni Jose Rizal, marami ka talagang matututunan.  Isang halimbawa nito ay ang libro niyang: “Noli Me Tangere”. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Rizal kung saan nailarawan niya ang pangyayari sa kanilang panahon, kung saan ang pokus niya ang relasyon ng simbahan at pamahalaan. Nailarawan din niya ang mga problema ng lipunan dati, tulad ng korupsyon ng kura. Ang Noli Me Tangere ay isinulat para mabasa ng mga Kastila upang makita nila ang situasyon sa Pilipinas at kung ano ang totoong nangyayari. Subalit ang Noli Me Tangere ay isinulat para sa Pilipinas, ito ay makikita sa unang bahagi ng kanyang nobela, “Para Sa Aking Inang Bayan.” Gamit ang kanyang nobela, naipakita niya ang pag-api ng Kastila sa Pilipinas. Dahil dito, namulat ang mata ng kababayan niya. Nakita nila ang kaisipan na taglay ni Rizal at nakita nila ang totoong kalagayan ng kanilang bansa.

Ang unang aral na makukuha sa akda nito ay ang pagiging mapayapa. Naipakita rin niya ang pagmamahal niya sa bayan sa paraan ng paghahanap ng mapayapang paraan upang labanan ang Kastila. Sa pamamagitan ng kanyang akda, naipakita ni Rizal na posible ang lumaban sa kaaway sa isang mapayapang paraan. Ito ay maaaring magsilbing inspirasyon sa ating mga mapupusok na kabataan sa ating panahon. Makikita ng mambabasa na may ibang paraan ng pagpalag sa mga bagay na hindi tayo sang-ayon at hindi ito dapat kunin sa dahas lamang.

Katulad ng mga Pilipino sa panahon ng kastila, ang mga estyudante ay maaring malaman rin ang totoong kalagayan ng Pilipinas dati. Isinalaysay ng libro ang sitwasyon ng bayan noong panahon ng Kastila at ang mga problema ng lipunan dati. Katulad ng mga kabataan sa panahon ni Rizal, ang kabataan ngayon ay mas makakapagmahal sa bayan nila. Makikita ng mga estyudante gaano kahalaga ang kalayaan nila, at makapagbigay sila ng halaga dito.

Sa isang pang akda ni Jose Rizal na may pamagat na “Tungkol sa Katamaran ng Pilipino,” makikita natin ang uri ng pag-iisip niya. Mababasa natin dito ang mga dahilang naisip ni Rizal kung bakit itinuring na tamad ang mga Pilipino. Ayon kay Rizal, ang katamaran ng Pilipino ay bunga ng mainit na panahon, hindi makatarungang buwis, kawalan ng insentibo sa pagtratrabaho, etc. Mahalaga ito dahil alam ni Rizal na tamad ang mga Pilipino, ibig sabihin na hindi siya bulag sa mga kapintasan ng mga Pilipino. Ipinakita niya ito upang hanapan ng solusyon.

Ang mas mahalagang aral na maisusuri natin sa akda nito ay ang pagpapanahon ng akda nito. Sa panahon natin, ang katamaran ay nandito pa rin. Hindi na gaanong kalaking problema ang init sa Pilipinas ngayon dahil may bagong teknolohiya na, katulad ng air-con, etc. Ngunit may ibang dahilan kung bakit tamad ang mga tao ngayon, tulad ng internet, iPad, at iba pang makabagong teknolohiya. Mahalagang basahin ang akda nito dahil napapanahon, nakakatulong rin ito sa atin ngayon dahil mamumulat tayo sa mga dahilan ng katamaran at gaano kalaking suliranin ito na nangangailangan ng solusyon.

Sa aking palagay, dapat ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga akda ni Rizal upang ang mga kabataan ay mamulat sa mga problema ng lipunan. Maraming mahahalagang bagay ang matutunan sa mga akda ni Rizal. Una, dakilang halimbawa si Rizal sa lahat ng tao, lalo na ang mga estudyante. Sa pag-aaral sa kanya at ang mga akda niya, makikita ng mga kabataan ang mga mabubuti niyang kaugalian, katulad ng kasipagan, makabayan, etc. Ang mga ito ay makakatulong sa kabataan ngayon na maging masipag na estudyante, mabuting tao at makabayang Pilipino.

Ikalawa, makikita ng mga estyudante ang mga problema sa lipunan. Karamihan ng mga akda niya ay tungkol sa problemang panlipunan at ang korupsyon ng mga Kastila sa pamahalaan. Ang mga suliranin sa panahon ni Rizal ay siya pa ring suliranin sa lipunan natin ngayon.At makita nila daang taon man lumpias, ay ganon pa rin ang mag suliranin na hinaharap ng ating bansa. Kagaya rin sa panahon ng mga Kastila, naglalaban pa rin ang pamahalaan at ang simbahan at hindi sila tunay na hiwalay, parang sa paglaban nila sa RH Bill. Sa pagmulat na ito, kasabay ang aking pag-asa na mahanapan ng solusyon ng mga susunod na henerasyon ang mga problema panlipunan na hinaharap natin sa bansa mula noon hanggang ngayon.

About these ads