Latest Entries »

Noli Me(me) Tangere: Bad Luck Sisa, H3B-31

Ang tauhan na inilarawan ko sa aking meme ay si Sisa, isang ina sa Noli Me Tangere. Sa kwento, si Sisa ay naipakilala sa kabanata labing-anim, kung saan inilarawan ang buhay niya at ng kanyang pamilya. Siya at ang kanyang pamilya ay nakatira sa bandang labas ng bayan ng San Diego. Ang ibig sabihin nito ay mahirap sila, dahil ang mga tao na tumitira malayo sa sentro ng bayan ay kadalasang mahirap. Dahil mahirap sila, hindi rin nakakapag-aral ang mga anak ni Sisa, si Crispin at Basilio. Sila ay nagtatrabaho na lang sa simbahan bilang sakristan. Mas lalo nagiging mahirap ang buhay nila dahil sa asawa ni Sisa. Ang asawa ni Sisa ay sugarol, at madalas niyang kinukuha ang pera na naiipon ng kanyang mga anak. Konti na nga lang ang pera ng kanyang anak dahil madalas itong bawasan ng mga pari, ngunit kinukuha pa rin niya ito. Sa kabila ng kanyang problema, mapagmahal pa rin si Sisa sa pamilya niya, at ito ay dahil sa kanyang mga anak. Sila ang tanging dahilan kung bakit may gana pa rin siya mabuhay.

Marami siyang problema sa buhay; ang asawa niya ay sugarol at walang pakialam sa pamilya nila, namatay ang anak niyang si Crispin, atbp. Ginamit ko ang kahirapan ni Sisa bilang inspirasyon para gumawa ng meme na ito. Ang kahirapan na dinadanas niya ay ang pangunahing paksa ng meme na ginawa ko. Kaya inihambing ko ang kahirapan ni Sisa sa isang sikat na meme ngayon, si “Bad Luck Brian.” Si Bad Luck Brian ay isang taong malas, at lahat ng masamang maaring mangyari ay nangyayari sa kanya. Sikat ang meme na ito dahil nakakatawa ang mga nangyayari sa kanya dahil sobrang malas na mga ito, kailanman ay hindi ito nangyayari sa ibang tao. Bagay talaga ang meme na ito kay Sisa dahil napakamalas ang buhay niya. Ang paghihirap at kalungkutan niya ay makikita sa Kabanata 18 din, kung saan nabaliw siya sa pagkawala ng kanyang mga anak. Sa totoo lang, marami ring masasamang nangyayari sa ibang tauhan sa kwento, tulad ni Crisostomo Ibarra, Maria Clara, at iba pa. Ngunit si Sisa na yata ay ang tanging pinakamalas sa lahat ng tauhan sa kwento, naging baliw na nga siya sa dami niyang kahirapan sa buhay.

Isang dahilan kung bakit ginamit ko si Sisa para sa meme ko ay dahil malaki ang kahalagaan niya sa kwento. Sinisimbolo ni Sisa ang mga mahihirap na Pilipino, mga Pilipino na inaapi ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang mga Pilipino ay naghihirap dahil sa kawalang hustisya ng mga Kastila. Ang lipunan dati ay pinagharian ng dalawang grupo, ang pamahalaan at ang simbahan. Ang dalawang grupong ito ay nang-api rin sa mga Pilipino. Sa lipunan dati, iba’t ibang tao ay naaapi, at si Sisa ay isa sa mga pangunahing halimbawa nito. Ang ibig kong mangyari sa mga taong makakakita ng meme na ito ay maging interesado sila sa Noli Me Tangere at kung papaano nagkaganoon ang buhay ni Sisa. Sana rin ay makita nila ito kapag natapos nila basahin ang akda, para masmaaalala nila ang mga mahalagang tauhan o konsepto sa nobela. Sa tingin ko, ang ganitong uri ng meme, katulad ng meme ko, ay makakatulong sa mga kabataan ngayon upang mas lalo nilang maintindihan ang nobela. Ito ang daan upang magkaroon ng ideya ang mga kabataan ngayon tungkol sa problema ng korupsyon at ang kanser ng lipunan na sumira sa buhay ng mga Pilipino noon.

Source: http://www.ragemaker.net

2nd Day of High 3 SOP

The second day was by far the best SOP day for me, even including the SOP’s that we had in high 2. At first, I was dismayed that some of our families were not there, so I had to be adopted by a new one. I was transferred to one of the families at the bottom of the hill with 2 of my other classmates. Our new family’s main livelihood was to wash clothes, so that’s what they made us do. It was actually pretty easy for us since we were 3, but it was still hard work, definitely harder than last week. What I liked about this SOP is that I truly felt like I was part of the community. The mother of my new family was very loving and caring, she really treated us like her own sons. I also liked the part where she said that they were still happy in Payatas. Despite their situation, they were still happy and that was pretty nice. After doing work, she let us play billiards with the other kids in the community. She said that she’ll just call us when she’s done cooking for us, and that made me really feel like I was part of her family. It was like another normal day in Payatas. Then we proceeded to eat in their house. Overall, this was a pretty wonderful experience, I hope that the rest of the future SOP’s are going to be like this. 

On the first day of SOP, we went to the community in Payatas for the first time. It was also my first time to go there, so I didn’t know what to expect. It was actually okay when we got there, the community was lively although it was a little small. The houses were situated in a hill, with some houses at the very bottom of a steep curve. Thankfully, the family that adopted me was very close to the entrance, so I didn’t risk having to go down, since it was slippery it was easy to slip. My family was okay, most of the time we just talked. What they made me do was to hang their clothes to dry and make sinigang. It wasn’t that hard and I learned some parts of how to make sinigang. After that, we just talked some more and joined another family with an adopted son. Our conversation was very lively, but at around 11 we were called to gather already. It was an interesting first day, I got to meet a lot of new people. 

Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna sa taong 1861. Siya ay isang mabuting anak, matalinong makata at mabuting tao. Nakapag-aral siya sa Europa at naging doktor. Si Rizal ay namuhay sa panahon ng Kastila. Ito ang panahon kung saan ang mga Pilipino ay inaapi ng labis. Sa kabila nito, modelo siya ng kabataan. Ito ay dahil siya’y matalino, masipag at mapagmahal sa bayan. Sa halip ng labanan ang mga Kastila sa pamamagitan ng dahas, pinili niyang gumamit ng pagsusulat upang makahanap ng reporma kasama ng mga Kastila. Kilala si Rizal sa mga akda niya, lalo na ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na nakatulong ito sa pagsimula ng rebolusyon sa Pilipinas laban sa mga Kastila. Ang kanyang pagpili sa mapayapang paraan ng pakikipaglaban sa mga Kastila ay kahanga-hanga, at ang mga estyudante sa mataas na paaralan ay maaring matuto ng marami sa kanyang buhay at sa kanyang mga akda. Dahil dito, sa tingin ko dapat ipatuluyan ang pag-aaral ng mga akda ni Rizal sa mataas na paaralan.

Sa lahat ng sulat ni Jose Rizal, marami ka talagang matututunan.  Isang halimbawa nito ay ang libro niyang: “Noli Me Tangere”. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Rizal kung saan nailarawan niya ang pangyayari sa kanilang panahon, kung saan ang pokus niya ang relasyon ng simbahan at pamahalaan. Nailarawan din niya ang mga problema ng lipunan dati, tulad ng korupsyon ng kura. Ang Noli Me Tangere ay isinulat para mabasa ng mga Kastila upang makita nila ang situasyon sa Pilipinas at kung ano ang totoong nangyayari. Subalit ang Noli Me Tangere ay isinulat para sa Pilipinas, ito ay makikita sa unang bahagi ng kanyang nobela, “Para Sa Aking Inang Bayan.” Gamit ang kanyang nobela, naipakita niya ang pag-api ng Kastila sa Pilipinas. Dahil dito, namulat ang mata ng kababayan niya. Nakita nila ang kaisipan na taglay ni Rizal at nakita nila ang totoong kalagayan ng kanilang bansa.

Ang unang aral na makukuha sa akda nito ay ang pagiging mapayapa. Naipakita rin niya ang pagmamahal niya sa bayan sa paraan ng paghahanap ng mapayapang paraan upang labanan ang Kastila. Sa pamamagitan ng kanyang akda, naipakita ni Rizal na posible ang lumaban sa kaaway sa isang mapayapang paraan. Ito ay maaaring magsilbing inspirasyon sa ating mga mapupusok na kabataan sa ating panahon. Makikita ng mambabasa na may ibang paraan ng pagpalag sa mga bagay na hindi tayo sang-ayon at hindi ito dapat kunin sa dahas lamang.

Katulad ng mga Pilipino sa panahon ng kastila, ang mga estyudante ay maaring malaman rin ang totoong kalagayan ng Pilipinas dati. Isinalaysay ng libro ang sitwasyon ng bayan noong panahon ng Kastila at ang mga problema ng lipunan dati. Katulad ng mga kabataan sa panahon ni Rizal, ang kabataan ngayon ay mas makakapagmahal sa bayan nila. Makikita ng mga estyudante gaano kahalaga ang kalayaan nila, at makapagbigay sila ng halaga dito.

Sa isang pang akda ni Jose Rizal na may pamagat na “Tungkol sa Katamaran ng Pilipino,” makikita natin ang uri ng pag-iisip niya. Mababasa natin dito ang mga dahilang naisip ni Rizal kung bakit itinuring na tamad ang mga Pilipino. Ayon kay Rizal, ang katamaran ng Pilipino ay bunga ng mainit na panahon, hindi makatarungang buwis, kawalan ng insentibo sa pagtratrabaho, etc. Mahalaga ito dahil alam ni Rizal na tamad ang mga Pilipino, ibig sabihin na hindi siya bulag sa mga kapintasan ng mga Pilipino. Ipinakita niya ito upang hanapan ng solusyon.

Ang mas mahalagang aral na maisusuri natin sa akda nito ay ang pagpapanahon ng akda nito. Sa panahon natin, ang katamaran ay nandito pa rin. Hindi na gaanong kalaking problema ang init sa Pilipinas ngayon dahil may bagong teknolohiya na, katulad ng air-con, etc. Ngunit may ibang dahilan kung bakit tamad ang mga tao ngayon, tulad ng internet, iPad, at iba pang makabagong teknolohiya. Mahalagang basahin ang akda nito dahil napapanahon, nakakatulong rin ito sa atin ngayon dahil mamumulat tayo sa mga dahilan ng katamaran at gaano kalaking suliranin ito na nangangailangan ng solusyon.

Sa aking palagay, dapat ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga akda ni Rizal upang ang mga kabataan ay mamulat sa mga problema ng lipunan. Maraming mahahalagang bagay ang matutunan sa mga akda ni Rizal. Una, dakilang halimbawa si Rizal sa lahat ng tao, lalo na ang mga estudyante. Sa pag-aaral sa kanya at ang mga akda niya, makikita ng mga kabataan ang mga mabubuti niyang kaugalian, katulad ng kasipagan, makabayan, etc. Ang mga ito ay makakatulong sa kabataan ngayon na maging masipag na estudyante, mabuting tao at makabayang Pilipino.

Ikalawa, makikita ng mga estyudante ang mga problema sa lipunan. Karamihan ng mga akda niya ay tungkol sa problemang panlipunan at ang korupsyon ng mga Kastila sa pamahalaan. Ang mga suliranin sa panahon ni Rizal ay siya pa ring suliranin sa lipunan natin ngayon.At makita nila daang taon man lumpias, ay ganon pa rin ang mag suliranin na hinaharap ng ating bansa. Kagaya rin sa panahon ng mga Kastila, naglalaban pa rin ang pamahalaan at ang simbahan at hindi sila tunay na hiwalay, parang sa paglaban nila sa RH Bill. Sa pagmulat na ito, kasabay ang aking pag-asa na mahanapan ng solusyon ng mga susunod na henerasyon ang mga problema panlipunan na hinaharap natin sa bansa mula noon hanggang ngayon.

Marami akong natutunang aral sa Florante at Laura. Ang mga ito ay nasa iba’t ibang aspeto ng buhay. Bilang isang ama, natutunan ko na dapat mong ipalaki ang anak mo ng mabuti upang hindi siya maging laki sa layaw. Ito ay makikita sa pagpapalaki ni Duke Briseo kay Florante. Bilang isang anak naman, natutunan ko na dapat isunod ang magulang mo palagi at mahalin sila. Nakita ko ito sa pagkabata ni Florante. Masunurin at nagmamahal siyang anak, sinunod niya ang magulang niya na mag-aral sa Atenas. Natuto ko rin na bilang isang mag-aaral, dapat gawin mo ang lahat ng magagawa mo sa pag-aaral at dapat seryosohin mo ito. Natuto ko ‘to sa pag-aaral ni Florante sa Atenas. Sa sipag niya, naging masmagaling at masmatalino siya kay Adolfo. Bilang isang kaibigan, natuto ko rin na dapat maging matulungin at mapagmahal sa mga kaibigan mo. Ipinapakita ito ni Menandro dahil palagi niyang tinutulungan si Florante, lalo na nung ipinagtanggol niya si Florante nung papatayin na siya ni Adolfo. Bilang isang mangingibig naman, natuto ko na dapat isa lang ang mamahalin mo. Natututo ko ito sa pagmamahal ni Florante kay Laura. Palagi niya siyang pinag-iisipan siya lang ang babae sa kanyang isip. Nakita ko rin na dapat hindi ka mang-agaw ng ibig ng ibang tao dahil masama ito at nasasaktan ang mga mangingibig. Ginawa ito ni Adolfo nung inagaw niya si Laura kay Florante. Sobrang nasaktan si Florante at labis ang kalungkutan niya. Bilang isang mamayan, natuto ko na dapat kang maging matalinong tao at hindi lang ipaniwala ang kahit anong marinig mo. Nakita ko ito nung nagsisinungaling si Adolfo tungkol sa kaharian ng Albanya, si Duke Briseo at si Haring Linceo. Naniwala naman ang mga mamayan ng Albanya sa sinasabi niya at nagkagulo sa kaharian. Natuto ko rin na dapat maging loyal ka sa pinuno mo. Mahusay na pinuno si Haring Linceo, ngunit nung nagsinungaling si Adolfo tungkol sa Hari, ayaw na ng tao si Haring Linceo. Bilang isang pinuno naman, nakita ko na dapat kang maging maayos at mabuti sa mga tao mo. Nakita ko ito sa katapusan ng Florante at Laura. Naging mabuting pinuno sina Florante at Laura. Dahil dito, naging masaya na ang Kaharian ng Albanya sa rule nila dalawa.

“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

sa bait at muni’t sa hatol ay salat;

masaklap na bunga ng maling paglingap,

habag ng magulang sa irog na anak.”

 

Sa tingin ko, sinasabi ng saknong nito ay masama na lumaki sa layaw. Karaniwan ay walang bait ang mga laki sa layaw. Ginagawa ito ng mga magulang na sobrang mahal nila ang kanilang anak. Dahil dito, binibigay nila ang lahat ng gusto ng bata. Ito ay ang laki sa layaw. Sa tingin ko, laki sa layaw rin ako dahil marami ng hiling ko ay binibigay ng magulang ko. 

Ang Florante at Laura at ang Kahalagahan nito sa Pag-aaral ng Pilipino

Ang Florante at Laura ay isang awit na isinulat ni Francisco Balagtas noong panahon ng Kastilla. Ang kwentong ito ay itinuring klasiko na at ang pag-aaral nito ay nasa kurikulum ng halos lahat ng paaralan dito sa Pilipinas. Ito ay matagal nang pinag-aaralan ng mga mag-aaral at pati ang mga pantas rin. Marami na ring bersyon ito na ibinibenta dito sa Pilipinas.

Sa aking paningin, dapat ipanatalihin ang pag-aaral ng Florante at Laura sa ikalawang taon ng hayskul. Ito ay dahil mayroon itong maraming lumang wika, at matututo ang lahat ng mambabasa nito. Kung hindi maintindihan ang mga lumang salita, okay lang dahil nakasulat ang kahulugang ng mga mahihirap na salita sa lahat ng bersyon nito. Sa kwento, mayroon ring maraming tayutay na inilagay ng manunulat upang mas lalong maipakita ang sinasabi niya. Ang mga tayutay na ito ay nakakatulong sa mga mag-aaral sa pag-aaral nila ng wikang Pilipino. Ang awit na ito ay napgpapakita ng kagandahan at kariktan ng kultura at wikang Pilipno. Dahil dito, dapat ipanatalihin ang pag-aaral ng Florante at Laura sa ikalawang taon upang mapahalaga ng mga mag-aaral ang wikang Pilipino at ang pagiging Pilipino nila.

Ang Florante at Laura ay isinulat sa panahon ng Kastilla, at ang ibang tauhan sa kwento ay nagsisimbolo ng mga Kastiall noong panahong iyom, Pinapakita rin ng awit ang kulturang Pilipnio noong panahon ng Kastilla. Pinapakita kung paano magligaw ang mga lalaki sa babae, paano nagsasalita dati, at iba pa. Kaya sa pag-aaral ng Florante at Laura, hindi lang wika ang matutunan ng mga mag-aaral. Matutuo rin nila ang kasaysayan, kahit konti lang, ng Pilipinas. Ito ay nakikita sa talambuhay ng manunulat, si Francisco Balagtas.

Ang aral at tema ng kwentong ito ay mahalaga rin. May maraming aral sa awit na ito na kahit luma na, ay makakatulong pa rin sa kabataan ngayon. Hindi lang ipinapakita ang pagmamahal sa kasintahan, ngunit pinapakita rin ang mahal ng kasintahan, ngunit pinapakita rin ang mahal ng ama at anak, ang pagmamahal ng kaibigan at ang pagmamahal ng tao galing sa iba’t ibang sekta ng buhay. Talagang matututo ng maraming mahahalagang aral ang mga mag-aaral sa pagbabasa nila sa Florante at Laura. Ang mga tema ng awit nito ay pangkalahatan at kahit ngayon, makakaugnay pa rin ang mga mambabasa sa mga tema ng awit, tulad ng tamang pagmamahal, pagtaksil at iba pa. Kaya itinuri itong klasiko, dahil ang tema at aral ng kwentong ito ay maaring makaugnayan ng kahit sino ngayon at kung magpakailan man. Makakatulong talaga ito sa mga mag-aaral at maiuugnay nila sa kanilang buhay bilang kabataan.

Sa aking pananaw, ang mga dahilan nito ay sapat para pipanatalihin ang pag-aaral ng Florante at Laura sa ikalawang taon, hidni talaga dapat tanggalin ang pag-aaral ng Florante at Laura sa kurikulum ng mag-aaral sa ikalawang taon. Ang awit na ito ay isang malaki at mahalang bahagi ng kulturang Pilipino, at dapat lang na inaaral ito ng mga mag-aaral.

SOP 4th Week

For the fourth and last week of the SOP program, the mentoring groups opted to merge as one class. We then had a kind of party for the kids, as some of my other classmates taught them to dance. The class then proceeded to dance with the kids and had fun. After dancing, the class brought the prepared food and then gave it to the kids. The kids then ate the food while talking among themselves. 

I felt good after the fourth week of the SOP program, as I have successfully completed all of the required SOP’s. I also felt good that we were able to help the kids feel happy at least once a week, we were able to help them in at least some little way. 

After completing all the SOP’s this year, I learned that the kids that we have just helped need a lot more help. After we finished our SOP, another school came and interacted with them. This must happen through out the whole year, maybe because the kids really do need a lot of help. I learned that we are very lucky to have this SOP program because this gave us an opportunity to help the less fortunate. This also taught me that I should do my best the next time an opportunity like this happens, like next year. 

For the 3rd week of SOP, I think that it was a pretty light week as we just showed them a cartoon movie (Tom & Jerry) and gave them snacks. We used a white cloth and projector to show the movie, which was in a better resolution than their normal tv. However, only half of them were present as some other school was also doing an outreach program. 

I felt happy for the kids as they were given a chance to experience watching a movie and that the movie looked better and did not have any glitches or static like in their tv. I am also happy because they seemed like they enjoyed the movie very much, as they were laughing almost the whole time. 

For this week of SOP, I learned that while we may not enjoy the same things, we and the kids are alike. I guess that we are all alike in that we all want to have fun. I also learned that other people, especially the poor, appreciate and value things more than we do. 

Ang Aking Opinyon sa K12

Hindi ako sumasangayon sa K12 education na gagawin dito sa Pilipinas. Sa tingin ko, hindi mahalaga ang bilang ng taon na nagaaral ka. Sa tingin ko, dapat mas magpokus muna ang pamahalaan sa kagalingan ng pagtuturo kaysa sa taon ng pagaaral. Sa tingin ko hindi ito importante ngayon para sa bansa, mas importante ang pagtuturo ng mga guro at ang kagandahan ng paaralan. Isang halimbawa nito ay ang pagaaral ko dito sa Xavier. Okay naman ang pagaaral ko sa Xavier, marami akong natuto at natututo dito. Ngunit halos sampung taon na akong nagaaral ng Chinese dito, pero hindi pa rin ako magaling. Dito ko nakikita na hindi masyado importante ang bilang ng taon ng pagaaral.