“Dumating na ba sa buhay mo na ang iyong mga magulang ay pakiramdam ay “baliwala ka?””

Ngayon, labinlimang taon na ako. Marami na ang nagawa at naranasan ko. Pero hindi ko talaga maalala kung may pagkakataon na parang binaliwala lang ako ng mga magulang ko. Alam ko naman ay mahusay silang magulang, palagi silang handa na magtulong sa akin. Subalit, alam ko naman rin na marami silang kailangan gawin dahil may trabaho sila, kaya okay lang sa akin kung binaliwala nila ako kahit isang beses lang. Feeling ko nga na parang binaliwala na nila ako sa isang pagkakataon sa buhay ko, pero ‘di ko maalala siguro dahil ginawa nila ito sa maliit na paraan lamang.

Pero kung nangyari sa akin ang nangyari kay Rene sa kwento niyang “Lilip”, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung talagang binaliwala ako na ganun ka grabe, siguro malulungkot ako. Baka yan ang dahilan kung bakit magaganda ang kwento ni Rene Villanueva, dahil talagang ninanarasan niya ang mga kwento niya at napupukaw siya na gumawa ng magagandang kwento. Kung nangyari rin ito sa akin, mag-aaral na ako ng mabuti parang si Rene Villanueva at pakitaan ko ang magulang ko na mahusay ako.

Ang pagbabaliwala ng mga anak ay talagang masama, dahil ikaw ang magulang niya, ikaw ang dapat magalaga sa kanya. Sa karamihan ng oras, ang mga magulang ay nagpipili kung magkakaroon sila ng anak. Alam nila na dapat may responsabilidad ka pag nagka-anak ka. Subalit, alam ko na kahit saan sa mundo, may nangyayari talaga na kaso na binabaliwala lang ng magulang ang kanilang anak. Nalulungkot ako dito, pero naiintindihan ko kasi baka may problema rin ang mga magulang. Ang dami nilang kailangang gawin para sa anak nila, at karamihan ay may trabaho pa. Siguro nakaka-stress talaga kung may anak ka, lalo na kung maiyakin siya. Dahil dito, hanga talaga ako sa lahat ng magulang, dahil sila ang nagaalaga ng mga pinuno ng kinabukasan.