Ako ay si Russell Sy, ang 2 time MVP sa basketball at all time scoring champion sa Xavier. Ako ang unang freshman na naging starter sa koponan ng paaralan. Nakatanggap rin ako ng pitong mvp medals, at kinatawan ko rin ang Pilipinas sa Olympic Youth Games. Maraming tao ay hindi alam nito, pero sa totoo lang, bulok ako maglaro dati. Kahit dribble lang ay hindi ko magawa. Pagtitira ako ng sampung beses, walang makakapasok. Pero, idol ko dati ang mga manlalaro sa NBA, at ipinangako ko sa sarili ko na maging kasing galing sa kanila.

Simula nung bata ako, nagensayo ako ng labis. Araw araw, pagdating sa bahay, nageensayo ako palagi. Kahit umuulan, nageensayo pa ako. Kahit may bagyo, tuloy pa rin. Kahit may kidlat, okay lang. Kahit QT na, nageensayo pa ako. Kahit kailan, nageensayo ako. Buong grade school, ginawa ko ‘to. Pagdating ko sa grade 6, nakakadunk na ako. Subalit, kahit nakakadunk na ako at napakagaling ko na, hindi ako nagpakayabang.

Pagdating ko sa hayskul, inimbita ako ng mga coach na mag try-out ako para so koponan. Nung naglaro ako sa try-outs, humanga ang mga coach sa akin, pati ang mga ibang manlalaro. Halos lahat ng tira ko, pasok. Agad akong napasok sa team, kahit freshman pa lang ako.

Nung pasok na ako sa koponan, lalong tumindi ang pageensayo ko. Tatlong beses sa isang linggo ang pag-eensayo ko, at mas nakakapagod ito sa ensayo na ginagawa ko sa bahay. Pagdating ko sa bahay pagkatapos ng ensayo, palaging pagod na pagod na ako,. Minsan, hindi na ako kumakain ng maaga, natutulog na ako kaagad sa sobrang pagod ko. Napansin ko rin na dahil hayskul na ako, mas marami na ang mga aralin ko. Nakita ko na mahirap gawin ang mga araling-bahay ko dahil sa pagod at hutom. Subalit, dahil honor student ako nung grade school, itiniis ko na lang at iginawa ko ang mga homework at aralin ko. Isinakripisyo ko rin ang paggamit ko ng computer, dahil napagtanto ko na sayang lang pala ito ng oras. Natuto ako kung pano maging masipag at gumamit ng oras ko ng mabuti.

Dumating ang araw ng unang paglalaro ko. Kalaban namin ang pinaka malakas na koponana sa league, at nakaba rin ako, kasi maraming taong naonood. Nagdasal ako sa Diyos bago nagsimula ang laro. Nung nagsimula na ang laro, ginawa ko ang lahat ng kaya ko. Kahit pagod na ako, tumatakbo pa rin ako. Nakita ko na sulit pala ang pageensayo ko, dahil ako pala ang lead scorer. Siguro naka limang dunks ako sa larong yun, at lahat ng tira ko galing sa 3-point line ay pasok. Nagulat ang mga nanonood sa galing ng isang freshman, ang lalakas ng pagsasaya nila. Tinambak namin ang kalaban namin, at nagulat ako nung sa katapusan, binigyan ako ng mvp award.

Nagkataon rin na may mahabang pagsubok kami sa susunod na linggo. Kahit sobrang pagod na ako, itiniis ko na lang ito at nagaral pa ako. Kahit mga hindi kasama sa aralin, inaral ko pa para sakaling nagkaroon na tanong tungkol dun sa pagsubok. Nung oras na ng pagsubok, nadalian ako sobra sa pagsubok, siguradong sigurado ako na perpekto gawa ko. At sa susunod na araw, sabi ko na nga ba, naka A+ ako.

Ang ibig kong sabihin sa sanaysay ko ay sa buhay, dapat maging masipag ka para makuha mo ang gusto mo. Dapat gawin mo ang pinakahusay mo sa lahat ng gawain mo. Kung may problema ka katulad sa akin, kailangan mong gawin ang lahat ng magagawa mo para matapos ang problema mo. Parang sinabi ng isang kasabihan sa ingles: “You reap what you sow”. Ngayon, ikalawang taon ko na sa NBA, at may rookie of the year at MVP award na ako. Masasabi ko sa inyo na totoo iyan.