“Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong upang mailigtas ang mga batang nasa katulad na kalagayan sa iyong binasang kwento?”

Ang problemang inilirawan sa kwento ay totoo. Sa tingin ko, kahit anong gawin ng tao, mangyayari pa rin ito sa buhay. Sa lahat ng bansa, kahit na mayayaman, parang China o USA, may pulubi rin.

Pero, bilang isang mag-aaral, sa tingin ko makakatulong ako sa mga batang ganito kung nag-aral ako ng mabuti. Kung nag-aral ako ng mabuti, makakakuha ako ng matataas na grades. At kung makakuha ako ng matataas na grades, makakapasok ako sa magandang kolehiya. At kung makapasok ako sa magandang kolehiyala, makaka-aral ako ng mabuti. At kung makakaaral ako ng mabuti, makakakuha ako ng magandang hanapbuhay. At kung may magandang hanapbuhay ako, iyan ang oras na talagang makakatulong ako sa batang ganito.

Para sa akin, bilang isang mag-aaral, hindi ako makakatulong sa pulubi. Pero may espesyal na estyudante na talagang makakatulong sa problema ng mundo, parang ang mga estyudante ng H3 na nakapunta sa “TiltShift”. Pero hindi ako espesyal. Nakakarami sa aming mga estyudante ay hindi espesyal. Kaya sa tingin ko wala talaga kaming magagawa para sa mga pulubi.