Archive for October, 2011


Ang Totoong Pagbabago

Ang Xavier School ay nasa ika-limapu’t limang taon na bilang isang eskwelahan. Ang tema ng taon nito ay ang pagbabago at pag-uunlad, at iyan ang palaging ginagawa ng Xavier noong 1956 pa. Sa taon nito, ang Xavier School ay gumawa ng desisyon na bigyan ang mga estyudante nito ng kanya kanyang macbook, o laptops. Sa tingin ko ipinapakita ito ng pag-uunlad at pagbabago dahil wala pang eskwelahan ay nakakagawa nito. Makikita mo na makapal ang palad at matalas ang ulo ang mga pamuno ng Xavier dahil binigyan kami ng mga macbook para sa edukasyon namin. Masaya ako dahil napakaswerte naming mga estyudante sa high 2 na kami ang unang batch na nakapaggamit ng laptop sa loob ng silid-aralan sa buong kasaysayan ng eskwelahan. Binigyan kami ng eskwelahan ng responsabilidad sa paggagamit ng mac, kailangan naming ingatan mga ito dahil may maraming malilikot ang kamay sa mundo, at sa tingin ko natututo rin kami na mag-alaga sa mga pag-aari namin, at sa tingin ko ito ang totoong pagbabago, na makatuto ng bagong kaalaman na kinakailangan sa buhay. Hindi ko maitaga ang bato ko kung may beses ba na nag sanga-sanga ang dila namin habang gumagamit kami ng mac. Masasabi ko na regalo ito galing sa eskwelahan at sa Diyos na nakakapagtulong sa amin sa edukasyon namin. Totoong nagbabago at nag-uunlad na ang Xavier sa ika-limapu’t limang taon nito.

Advertisements

Luma at Bago

Ang swerte naming mga estyudante dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na manood ng isang akda tungkol kay William Shakespeare, at ang pamagat nito ay “William”. Napanood namin ito sa PETA Theater, at isinulat ito ni Ron Capinding. Ito ay tungkol sa limang estyudante na nasa hayskul, at ito ay naganap sa Pilipinas. Ito ay tinawag na “William” dahil nag-aaral ang mga estyudante sa kwento ng mga gawa ng isang magaling na makata sa Ingles, si William Shakespeare. Habang nag-aaral sila nito, nagkakaproblema rin sila sa buhay, at nakikita nila ang pagkakatulad ng buhay nila at ang mga akda ni Shakespeare. Makikita ng mga estyudante na nakakaugnay pala sila sa mga tauhan ni Shakespeare, at nakakatulong ito sa problema nila.

 

Noong una, akala ko ay nakakainip ang akda nito, dahil ito ay tungkol sa mga akda ni Shakespeare. Pero, nakita ko na hindi pala. Nakita ko na magandang-maganda at napakasaya ang akda nito. Nakakapag-uugnay rin ako dahil estyudante rin ang mga tauhan sa akda, at nararamdaman ko rin ang mga problema nila, tulad ng sobrang daming takdang-aralin, problema sa kaibigan o sa bahay at iba pa. 

 

Si William Shakespeare ay nabuhay noong 1600 taon pa, at luma na ang mga ginawa niyang akda, siguro naka apat na daang taon na. Pero kahit hangang sa araw na ito, ginagamit at pinag-aaralan pa rin ang mga akda niya. Karaniwan ay inaaral ang mga akda niya ng mga estyudante ng mataas na paaralan, kahit kami ay mag-aaral ng Romeo and Juliet sa susunod na taon. Kahit ngayon, inaaral na namin ngayon ang mga iba niyang gawa, tulad ng mga soneto at tula niya. Tulad din sa mga estyudante sa “William”, nahihirapan ako at ang mga kaklase ko sa pagbasa nito. Hindi namin maintindihan ang mga sulat niya, siguro kasi lumang Ingles ang ginagamit niya. Pati rin ang mga tauhan sa kwento, nahihirapan rin sila. Pero, sa paglalahad ng interes ng kwento, nakikita ng mga estyudante na parang sila rin ang mga tauhan sa akda ni Shakespeare, at paano ito nakakaugnay sa kanilang buhay. Makikita ng mga manonood ng akda na kahit luma na ang mga gawa ni Shakespeare, mahalaga pa rin ito dahil ipinapakita ng mga ito ang mga totoong katangian ng mga tao, at lahat ay makakapagugnay sa mga tauhan.

 

Sa tingin ko, napapanahon talaga ang dulang napanood namin. Ito ay dahil lahat ng tao ay marahil na makakapag-aral ng Shakespeare sa buhay nila, at sigurado ako na lahat ay mahihirapan, tulad ng mga tauhan sa kwento. Pero nakapagtulong ang dula nito sa akin dahil natuto rin ako ang mga iba’t ibang pamamaraan kung paano kong mas maintindihan ang mga sulat ni Shakespeare. Nakikita ko na hindi ako nag-iisa, halos lahat pala ng tao ay nahihirapan sa pagaaral ng gawa ni Shakespeare, pero nakita ko rin na makakayanin natin ito, at hindi naman ganun ka boring ang gawa ni Shakespeare. Sa katapusan ng kwento, napaghalagahan ng mga tauhan ng dula ang mga gawa niya, at napagtanto nila na maganda pala ang sulat niya. Hindi ko na maihintay ang susunod na taon, dahil makakabasa na kami ng kwento ni Shakespeare. At kung napanood ng dula nito tungkol kay Shakespeare ng mga ibang estyudante, alam ko na hindi rin sila makakahintay. 

Only in the Philippines

Lahat ng bansa ay magkakaiba. Lahat ay may kanya kanyang kultura, personalidad, paniniwala at iba pa. Pero masasabi ko na ang Pilipinas talaga ay napaka-espesyal at mas maganda pag ikukumpara ito sa ibang bansa. Ang Pilipinas ay may maraming katangian at bagay na nagpapaganda ng ito, at hindi ko kayang ilahad ang lahat na ito.

 

       ‘

Ang Pilipinas ay kilala na Perlas ng silangan, at ito ay dahil isa itong arkipelago at ito ay may 7107 na isla. Dahil dito, ang Pilipinas ay mayaman sa magagandang lugar at dalampasigan, tulad ng Palawan at Boracay. Ang mga dalampasigan na ito ay ilan lamang sa magagandang lugar na ipinagmamalaki ng Pilipinas sa mundo. Bukod sa mga dalampasigan at tabing-dagat, ang Pilipinas ay mayroon ring iba’t ibang magagandang lugar sa lupa, tulad ng Chocolate Hills sa Bohol, Banawe Rice Terraces sa Benguet, at iba pa. Dahil sa mga magagandang lugar na pwedeng matagpuan sa Pilipinas, kada taon maraming turista ay pumupunta rito, at minsan nais nilang tumira na lang dito. Pero hindi lamang ang lugar ang nagpapaganda ang Pilipinas.

 

 

Ang isa pang aspekto na ipinagmamalaki ng Pilipinas ay ang pagkain na mahahanap mo dito. Ang Pilipinas ay malapit sa maraming dagat at tubig, at ang pagkain galing dito ay kilalang kilala sa Asia, pati rin sa buong mundo. Ito ay dahil ang Pilipinas ay may maraming isdang masasarap kainin, tulad ng Lapu-lapu, Bangus at Tilapia. Hindi lamang ang pagkaing-dagat ang sikat sa Pilipinas. Sikat rin dito ang sisig, adobo, sinigang, longganisa, tocino at ang lechon. Ang dami talagang pwedeng makain dito sa Pilipinas, at sa tingin ko swerte ako dahil tumitira ako dito at nakakapagkain ako ng maraming masasarap na pagkain.

 

Hindi lamang bagay ang maipagmamalaki ng Pilipinas. Mayroon rin kaming magagaling at talentadong artista at atleta. Kung ang Estados Unidos ay may CelineDion, ang Pilipinas ay may Charice Pempengco. Kung ang Europa ay may Cirque du Soleil, ang Pilipinas ay may Jabbawockeez. Kung ang Estados Unidos ay may Floyd Mayweather, ang Pilipinas ay may Manny Pacquiao at Nonito Donaire. Kung ang Estados Unidos ay may LA Lakers, ang Pilipinas ay may Smart-Gilas Basketball Team. Kung ang Inglatera ay may Arsenal, ang Pilipinas ay may Azkals. Napakarami talaga ang talentadong tao na nasa Pilipinas, at sila ay ipinagmamalaki ng ito.

 

 

Pero ang totoong kagandahan ng Pilipinas ay hindi lamang makikita sa lugar at bagay lamang. Masmalalim pa ang ito. Kapag pumunta ka sa Singapore o sa Japan, mararanasan mo lamang ang Singapore, o Japan. Kapag pumunta ka sa Pilipinas, mararanasan mo ang mga iba’t ibang lahi at kulturana nagbuo dito, tulad ng Ilonggo, Negrito, Bicolano, Kapampangan at iba pa. Sa dami ng isla ng Pilipinas, may iba’t ibang lahi at kultura na nagsimula dito. Kaya masasabi ko na ang pagdalaw sa Pilipinas ay parang pagdalaw sa malaking halo-halo. Sobrang sarap ng nilalaman, at hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Ito ang tanging nagkakaiba sa Pilipinas.