Ang swerte naming mga estyudante dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na manood ng isang akda tungkol kay William Shakespeare, at ang pamagat nito ay “William”. Napanood namin ito sa PETA Theater, at isinulat ito ni Ron Capinding. Ito ay tungkol sa limang estyudante na nasa hayskul, at ito ay naganap sa Pilipinas. Ito ay tinawag na “William” dahil nag-aaral ang mga estyudante sa kwento ng mga gawa ng isang magaling na makata sa Ingles, si William Shakespeare. Habang nag-aaral sila nito, nagkakaproblema rin sila sa buhay, at nakikita nila ang pagkakatulad ng buhay nila at ang mga akda ni Shakespeare. Makikita ng mga estyudante na nakakaugnay pala sila sa mga tauhan ni Shakespeare, at nakakatulong ito sa problema nila.

 

Noong una, akala ko ay nakakainip ang akda nito, dahil ito ay tungkol sa mga akda ni Shakespeare. Pero, nakita ko na hindi pala. Nakita ko na magandang-maganda at napakasaya ang akda nito. Nakakapag-uugnay rin ako dahil estyudante rin ang mga tauhan sa akda, at nararamdaman ko rin ang mga problema nila, tulad ng sobrang daming takdang-aralin, problema sa kaibigan o sa bahay at iba pa. 

 

Si William Shakespeare ay nabuhay noong 1600 taon pa, at luma na ang mga ginawa niyang akda, siguro naka apat na daang taon na. Pero kahit hangang sa araw na ito, ginagamit at pinag-aaralan pa rin ang mga akda niya. Karaniwan ay inaaral ang mga akda niya ng mga estyudante ng mataas na paaralan, kahit kami ay mag-aaral ng Romeo and Juliet sa susunod na taon. Kahit ngayon, inaaral na namin ngayon ang mga iba niyang gawa, tulad ng mga soneto at tula niya. Tulad din sa mga estyudante sa “William”, nahihirapan ako at ang mga kaklase ko sa pagbasa nito. Hindi namin maintindihan ang mga sulat niya, siguro kasi lumang Ingles ang ginagamit niya. Pati rin ang mga tauhan sa kwento, nahihirapan rin sila. Pero, sa paglalahad ng interes ng kwento, nakikita ng mga estyudante na parang sila rin ang mga tauhan sa akda ni Shakespeare, at paano ito nakakaugnay sa kanilang buhay. Makikita ng mga manonood ng akda na kahit luma na ang mga gawa ni Shakespeare, mahalaga pa rin ito dahil ipinapakita ng mga ito ang mga totoong katangian ng mga tao, at lahat ay makakapagugnay sa mga tauhan.

 

Sa tingin ko, napapanahon talaga ang dulang napanood namin. Ito ay dahil lahat ng tao ay marahil na makakapag-aral ng Shakespeare sa buhay nila, at sigurado ako na lahat ay mahihirapan, tulad ng mga tauhan sa kwento. Pero nakapagtulong ang dula nito sa akin dahil natuto rin ako ang mga iba’t ibang pamamaraan kung paano kong mas maintindihan ang mga sulat ni Shakespeare. Nakikita ko na hindi ako nag-iisa, halos lahat pala ng tao ay nahihirapan sa pagaaral ng gawa ni Shakespeare, pero nakita ko rin na makakayanin natin ito, at hindi naman ganun ka boring ang gawa ni Shakespeare. Sa katapusan ng kwento, napaghalagahan ng mga tauhan ng dula ang mga gawa niya, at napagtanto nila na maganda pala ang sulat niya. Hindi ko na maihintay ang susunod na taon, dahil makakabasa na kami ng kwento ni Shakespeare. At kung napanood ng dula nito tungkol kay Shakespeare ng mga ibang estyudante, alam ko na hindi rin sila makakahintay.