“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

sa bait at muni’t sa hatol ay salat;

masaklap na bunga ng maling paglingap,

habag ng magulang sa irog na anak.”

 

Sa tingin ko, sinasabi ng saknong nito ay masama na lumaki sa layaw. Karaniwan ay walang bait ang mga laki sa layaw. Ginagawa ito ng mga magulang na sobrang mahal nila ang kanilang anak. Dahil dito, binibigay nila ang lahat ng gusto ng bata. Ito ay ang laki sa layaw. Sa tingin ko, laki sa layaw rin ako dahil marami ng hiling ko ay binibigay ng magulang ko.